MANILA, Philippines - Pinarangalan kahapon sa Malacañang ni Pangulong BeÂnigno Aquino III ang 2013 The Outstanding Young Men (TOYM).
Ang siyam na TOYM awardees sa taong ito na itinaguyod ng Junior Chamber International of the Philippines (Jaycees) ay sina June Cheryl Cabal-Revilla, maybahay ni Bacoor City Mayor Strike Revilla para sa community service; Emerson Atanacio para sa social entrepreneurship; Nicole Paula Curato para sa sociologyÂ; Custer Deocaris para sa science communications; Saranggani Gov. Miguel Dominguez para sa government and public service; Alonzo Gabriel para sa food science and technology; Karl Michael Reyes at Paolo Antonio Silva para sa medicine at Rain or Shine basketball player Christopher John Alandy Dy Tiu para sa youth leadership development.
Ang tema ng TOYM sa taong ito ay “Inspiring a nation of heroesÂ.†Taunan itong itinataguyod ng JCI at TOYM foundation na pinamumunuan naman ni Manuel V. Pangilinan.