MANILA, Philippines - Ikinasa ng mga galit na kababaihan ang ‘lights out protest’ sa Disyembre 20, o sabay-sabay na pagpatay ng ilaw sa loob ng 15 minuto bilang pagkondena sa mataas na siÂngil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO).
Ayon kay Rose Bihag, Vice Chairperson ng Gabriela Manila, pundi na sila sa inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na P4.15/kilowatt hour na taas singil sa kuryente ng MERALCO na epektibo ngayong Disyembre 2013.
Sinabi ni Bihag, pasko na dapat sana ay magsasaya sila pero ang kahihinatnan ay lungkot dahil na rin sa iisipin nila kung saan kukunin ang ipambabayad sa mataas na singil sa kuryente.
“Hindi man lamang kami makapagbukas ng Christmas lights at di makapagpatugtog ng mga awit pamasko dahil sa nagtitipid kami sa paggamit ng kuryente†pahayag ni Bihag.
Aniya, plano nilang magsampa ng TRO sa Korte Suprema para pigilan ang dagdag singil sa kuryente na umano’y “tahasang pagnanakaw†sa pamilyang Pilipino ang ginawang ito ng MERALCO.
Una nang kinondena ng grupong Gabriela ang hinalang sabwatan ng mga electric companies para mabigyang daan ang pagtataas sa singil sa kuryente.