MANILA, Philippines - Naalarma ang Department of Health (DOH) sa pagtaas ng bilang ng tigdas Metro Manila ngayong Disyembre.
Tinukoy ni Dr. Eduardo C. Janairo, Regional Director ng DOH-National Capital Region ang mabilis na pagdami ng kaso ng measles cases sa Las Piñas, Muntinlupa, Caloocan, Manila at Parañaque.
Pinayuhan ni Janairo ang mga magulang at tagaÂpag-alaga ng mga bata na bantayan ang sintomas ng measles gaya ng karaniwang sipon, mataas na lagnat, ubo, tumutulong sipon o runny nose, matagal na pagkakaroon ng sore red eyes hanggang sa lumabas ang red, blotchy rash.
Sa sandali ng pagkahawa, ang mga sintomas ng measles ay lumalabas sa loob ng 9 na araw o ang pinakamaikling panahon na apat na araw kunsaan lalabas ang mga skin rash.
Sa partial reports ng Regional Epidemiology Surveillance Unit, mula Enero hanggang December 10, 2013, kabuuang 179 ang kumpirmadong kaso ng measles na 616% mas mataas sa kahalintulad na petsa noong 2012 na nakapagtala lamang ng 25 kaso.
Nangunguna sa may mataas na bilang ng kaso ng tigdas ang Las Piñas (44), Muntinlupa (32), Caloocan (26), Manila (22), Parañaque (15), Malabon (10), Quezon (8), Taguig (8), Navotas(7), Pasay (4), Makati (2) at isa sa Pasig City habang wala namang naitalang kaso ng measle sa Mandaluyong, Marikina, San Juan, Valenzuela at Pateros ngayong taon.
Ayon pa kay Dr. Janairo ang measles ay airborne o nakakahawa sa pamamagitan lamang ng pagsasalita, bahing o ubo, laway. Maaari rin aniyang ang measle ay maging sanhi ng mga seryosong komplikasyon gaya ng pneumonia at encephalitis (paglaki ng utak o swelling of the brain), miscarriage o premature birth kung buntis ang nagkatigdas.