MANILA, Philippines - Idineploy na ng PhiÂlippine Navy ang BRP Ramon Alcaraz, ang ikalawang Hamilton class cutter nitong barko na gaÂling sa Estados Unidos sa Palawan upang paigtingin pa ang pagpapatrulya sa pinag-aagawang Spratly Islands sa West Philippine Sea (South China Sea).
Ito’y sa gitna na rin ng plano ng China na maglagay ng panibagong Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa West PhiliÂppine Sea.
Nabatid kay Lt. Gen. Roy Deveraturda, commander ng AFP-Western Command na nakabase sa Puerto Princesa City, dumating na sa lugar ang BRP Ramon Alcaraz, daÂting US Coast Guard ship nitong Miyerkules para magsagawa ng ‘routine security missions’.
Ang nasabing barko ay ikinomisyon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin noong Nobyembre 22, tatlong buwan matapos itong dumating sa bansa mula sa paglalayag galing sa Amerika.
Sanhi naman ng maÂtinding delubyo ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 8 ay idineploy ito sa lugar upang tumulong sa relief at humanitaÂrian assistance sa Leyte at Eastern Samar.
Ang unang Hamilton Class cutter na BRP Gregorio del Pilar ay nagpapatrulya rin sa bahagi ng hurisdiksyon ng AFP-Western Command at AFP-Northern Luzon Command.
Ang Spratly Islands ay pinag-aagawan ng China, Pilipinas, Taiwan, Malaysia, Brunei at Vietnam bunga ng mayaman nitong depositong mineral at langis.
Sinabi naman ni Philippine Navy Spokesman Lt. Commander Gregory Gerald Fabic ang BRP Alcaraz ay hindi lamang magpapatrulya sa West Philippine Sea pero mahigpit ring babantayan ang mga kritikal na istruktura sa Palawan kabilang ang Malampaya deepwater gas-to-power project.