MANILA, Philippines - Handang magbitiw sa puwesto si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario kapag napatunaÂyang dinoktor ang bilang ng death toll sa bagyong Yolanda.
Nanindigan si del Rosario na may protocol sa pagbibilang ng mga bangkay kaya medyo mabagal ang paglalabas ng death toll lalo na sa Leyte at Samar dahil may prosesong sinusunod dito.
“Wala po kaming tinatago at lalung lalo po na walang utos na tayo’y magpababa ng bilang ng casualty,†giit pa ni del Rosario kasunod ng pagbanat ng isang radio commentator na hindi inilalantad ang katotohanan sa tunay na bilang ng mga nasawi sa Yolanda upang hindi makastigo ng Malacañang.
Aniya, walang itinatago ang pamahalaan sa gitna na rin ng kaliwa’t kanang pagbubunyag at pagpuna ng ilang sektor at maging ng mga kilalang personalidad na hindi na binibilang ang mayorya sa mga narerekober na bangkay upang hindi maabot ang 10,000 pagtataya sa mga nasawing biktima sa Leyte at Samar ng sinibak na dating Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Chief Supt. Elmer Soria.
Una na ring sinabi ni Pangulong Aquino sa panayam ng CNN na sobra-sobra ang bilang ni Soria dahil may ‘emotional trauma’ umano ang opisyal sa pagtaya sa posibleng nasawi sa kalamidad na ayon sa PaÂngulo ay maaring umaÂbot lamang sa 2,500.
Ang Samar at Leyte partikular na sa Tacloban City ang pinakagrabeng hinagupit ng bagyo.
Sa tala ng NDRRMC nasa 5,759 pa lamang ang death toll kay Yolanda at 1,779 pa ang nawawala.