MANILA, Philippines - Balak ng ilang senador na ipatanggal sa record ng Senado ang mga pagmumura, maaanghang na salita o mga “unparliamentary words†na ginamit nina Sens. Juan Ponce Enrile at Miriam Defensor-Santiago sa kanilang mga privilege speech.
Ayon kay Sen. Francis “Chiz†Escudero hindi ipinagbabawal ang pag-aakusa ng isang senador sa kanyang kapwa senador basta’t mayroon itong maipapakitang ebidensiya pero hindi umano pinapayagan ang paggamit ng mga unparliamentary language.
“Well, for as long as they can prove it (pag-aakusa). But the rules state that you cannot use unparliamentary language. What unparliamentary means is established by tradition in Congresses all over the world. And surely, yung sinungaling, yung bobo, yung mga ganung salita, which are value judgments, cannot be considered parliamentary in any part of the world,†ani Escudero.
Matatandaan na ipinahiwatig ni Enrile na isang “Peeping Tom†si Santiago na itinuturing rin niyang kanyang “obsessive haterâ€.
Binuweltahan naman ni Santiago si Enrile kamakalawa at inakusahan na may kerida, sex addict, kriminal at sinungaÂling.