MANILA, Philippines - Pormal na tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III ang bagong US Ambassador to the Philippines na si Philip Goldberg at 5 pang bagong ambassadors.
Si Goldberg ang pumalit kay dating US Ambassador Harry Thomas na nalipat na ng destinasyon.
Umaasa ang Pangulo na patuloy na titibay ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa pamamagitan ni Goldberg.
Bago dumating ng Pilipinas, aminado si Goldberg na “mixed emotions†ang kaniyang nararamdaman sa bagong posisyon sa gitna na rin nang nagpapatuloy na emergency assistance ng Estados Unidos sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Noong November 22 ay nanumpa sa puwesto si Goldberg sa harap ni US State Secretary John Kerry.
Nangako si Goldberg ng tuloy-tuloy na pagtulong ng kanilang pamahalaan para sa pagbangon ng mga Pinoy sa epekto ng kalamidad.
Si Goldberg ay isang senior United States diplomat at nagsilbi ring Assistant Secretary of State for Intelligence and Research (INR).