MANILA, Philippines - Nagpatupad ng moÂratorium ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa housing at member loan payments at binabaan ang interest rates sa mga may utang na nakatira sa Leyte at Samar na sinalanta ng Super Typhoon Yolanda.
Gayundin ay binigÂyan ng pinahabang araw para sa payment deadline ang mga kumpanya at iba pang employers doon para sa kanilang monthly contributions.
Ang hakbang may ay ilan lamang sa mga enhancements program ng SSS Calamity Relief Package sa mga biktima ni Yolanda na naaprubahan ng Social Security Commission.
Partikular na sakop ng programa ang mga SSS members na nakatira sa mga lugar na naideklara sa ilalim ng “State of Calamity†tulad ng Leyte, Bacolod, Samar, Palawan, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Cebu.