MANILA, Philippines - Bago matapos ang 2013, dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong DisÂyembre.
Ayon kay Jori Loiz, weather forecaster ng Pagasa, bagamat hanggang kahapon ay wala naman silang namamataang bagyo na maaaring pumasok sa bansa, ang nararanasang minsang pag-uulan ay epekto lamang ng intertropical convergence zone.
Maaliwalas naman anya ang panahon ngaÂyong weekend.
Sa buong buwan din ng Disyembre ay makakaranas ang bansa ng maulap na kalangitan na may paminsan minsang pag-uulan dulot din ng ITCZ, tail end of a cold front at amihan.