MANILA, Philippines - Isang resolusyon ang inihain kahapon ni Senate President Franklin Drilon na naglalayong gawing calaÂmity fund ang P55.4 bilyong pondo na hindi magagamit ngayong 2013. Sa Senate Resolution No. 5 na inihain ni Drilon, nais nitong bigyan ng awtorisasyon ang gobyerno na gamitin ang mga “unobligated at unreleased budget†para sa calamity fund at quick response funds ngayong taon para sa 2014.
Ayon kay Drilon, dahil sa napakalawak na pinsala na dulot ng mga nagdaang kalamidad, dapat lamang tiyakin na may magagamit na pondo ang gobyerno para sa rehabilitasyon. Kung wala umanong paglalaanan ang mga “unÂobligated funds†sa pagtatapos ng taon, automatic na ibabalik lamang ito sa National Treasury at posibleng hindi na magamit sa pagsisimula ng fiscal year 2014. Base sa pagtaya ni Drilon, ang hindi pa nagagamit na disaster-related funds ay aabot sa P20.8 bilyon sa pagtatapos ng December 31.