MANILA, Philippines - Muli na namang napatunayan ang pagiging “generous†o mapagbigay ng Hari ng Saudi Arabia sa mga Pinoy matapos maglaan ng US$10 milyon o P430 milyong ayuda para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), iniutos ni Saudi King Abdullah bin Abdul Aziz, Custodian ng Two Holy Mosques, ang pagpapalabas ng 10 milyong dolyares na donasyon para sa relief at rehabilitasyong isinasagawa ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyong Yolanda o Haiyan.
Sa report ni Ambassador Ezzedin Tago ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, nakatanggap siya ng tawag mula sa Saudi Minister of Finance at ipinagbibigay-alam ang naturang donasyon at tinanong na rin ang proÂseso kung paano maipapasa ang naturang financial aid sa Phl government.
“On behalf of the President, the Filipino people specially those in the Kingdom, and those in the affected areas, we thank the Custodian of the Two Holy Mosques King Abdullah bin Abdul Aziz Al-Saud, for his generous contribution to the relief efforts for the Yolanda victims,†ani Ambassdor Tago.
Si King Abdullah rin ang tumulong sa OFW na si Rodelio “Dondon†Lanuza na nakulong sa Saudi ng 13 dahil sa pagpatay sa isang Saudi national upang makaligtas sa pagbitay matapos magbigay ng 2.3 milyong Saudi riyal na kaukulangan sa 3 milÂyong riyal (P32 milyon) blood money ng nasabing Pinoy na kamakailan ay nakalaya at nakabalik na sa Pilipinas.