Trabaho sa mga binagyo kasado na

MANILA, Philippines - Kasado na ang P1.5 milyon na pondo para sa emergency employment na cash-for-work sa mga lugar na matinding napinsala ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, minimum wage rate ang pasweldong ibibigay ng DOLE subalit kailangan lamang na i-coordinate sa lokal na pamahalaan na siyang tutukoy ng roadmap.

Sinabi ni Baldoz na inis­yal lamang ang kanilang ginawang hakbang sa pagbibigay-hanapbuhay sa mga binagyo.

Nagpaplano na aniya sila ng ilalatag na permanenteng programa para ayudahan ang mga nawalan ng koprahan, palayan at komersyo na ikinabubuhay ng mga ito.

Kabilang na rin dito ang plano ng DOLE ng pag­sasagawa ng jobs fair sa mga lugar na binagyo sa Disyembre o bago matapos ang taon, oras na umayos na ang sitwasyon.

Show comments