MANILA, Philippines - Tiwala si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na wala ng idadawit na kasalukuyang kongresista si Janet Lim-Napoles sa pagharap nito sa isasagawang imbestigasyon ng Senado ngayong araw kaugnay sa pork barrel scam.
Umaasa rin si Speaker Belmonte na ilalahad ni Napoles ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa nasabing anomalya subalit hindi na rin umano nakakagulat kung i-invoke nito ang “right to self criminationâ€.
Subalit kung mayroon man umanong idawit sa ikalawang batch ng pork scam si Napoles na kongresista na miyembro ng 15th at 16th Congress ay bibigyan nila ito ng due process at hindi bibigyan ng special treatment.
Sa kabila nito siniguro pa rin ni Belmonte na walang miyembro ng 16th congress ang sangkot dito maliban na lamang kung ito ang natitira mula sa 14th Congress.
Iginiit naman ng Speaker na delikado ang suhestiyon na bigyan ng immunity si Napoles upang mahikayat ito na ibunyag ang lahat ng kanyang nalalaman dahil isa ito sa pinakamalaking political scam at dangerous precedent para sa Senado na magbigay ng immunity.