Marijuana para sa epileptic

MANILA, Philippines - Maari ng gumaling sa marijuana ang mga epileptic.

Ito ang nakikitang solusyon ng Philippine Cannabis Compassion Society upang malunasan ang sakit na epilepsy sa pamamagitan ng marijuana.

Subalit ayon kay Health spokesman Dr. Eric Tayag, mas makabubuti kung makikipag-ugnayan ang  PCCS sa Dangerous Drugs Board at ilahad ang kanilang panukala upang gawing legal at maging medical marijuana na para sa epileptic patients.

Ayon kay Tayag, nananatiling iligal ang  marijuana sa ilalim ng Dangerous Drugs Act. Aniya, hindi pa maituturing na conclusive ang medical benefits ng marijuana bagamat sinasabing nakagagaling ito ng ilang sakit.

Umaapela ang Philippine Moms for Medical Marijuana sa pamahalaan na palusutin umano ang medical marijuana dahil sa posibilidad na ito na ang pag-asang gumaling ng mga epileptic.

Show comments