MANILA, Philippines - Umabot na sa walo ang naisampang petisyon sa Korte Suprema laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Kahapon ay inihain ng mga empleyado ng gobyerno sa pangunguna ng grupong COURAGE ang ika-walong petisyon laban sa DAP.
Sa 26-pahinang petition for certiorari and prohibition, hiniling ng COURAGE at ng mga union leaders ng National Housing Authority, DSWD, DAR, Environment and Management Bureau ng DENR at MMDA na ideklarang unconstitutional ang DAP.
Ayon sa mga petitioner, nalabag ng DAP ang equal protection clause sa 1987 Constitution dahil hindi naman lahat ng mga senador ay nakinabang mula sa pondo ng DAP.
Hiniling din ng mga petitioner na magpalabas ang hukuman ng Temporary Restraining Order (TRO) na pansamantalang pipigil sa gobyerno sa pagpapatupad ng DAP.