MANILA, Philippines - Umapela sa publiko si Vice President Jejomar Binay na ipagdasal ang Overseas Filipino WorÂker (OFW) na si Joselito Zapanta, upang hindi matuloy ang bitay dahil sa kabiguang malikom hanggang ngayon araw na ito ang hinihiling na blood money ng pamilya ng kanyang biktima sa Saudi Arabia.
Si Zapanta ay hinatulan ng bitay dahil sa pagkakapatay nito sa isang Sudanese national noong 2009.
Ayon kay Binay, ngaÂyon ang huling araw (Nov. 3) na ibinigay na palugit kay Zapanta para malikom ang 4 million SAR na katumbas na P45 milyong blood money.
Sa ngayon ay nasa SAR 520,831 pa lamang ang nalilikom para kay Zapanta.
Sinabi ni Binay, kailaÂngang ipagdasal si Zapanta na mabigyan muli siya ng ‘reprieved’ at pagkakataon para makumpleto ang kanyang blood money.
‘Let’s hope he will be given an extension or his blood money will be lessened,†anang paÂngalawang Pangulo na siya ring presidential adviser on OFWs concern.
Aniya, November na ngayon, pero wala pang nakukuhang malaÂking halaga ng pera para magamit na blood money ni Zapanta. “We need to double our prayers for Joselito and his family,†pahayag ni Binay.
Inihayag pa ni Binay na ang mga staff ng Philippine Embassy sa Saudi, katuwang ang Sudanese Embassy ay ginagawa na ang lahat ng kanilang makakaya para mailigtas sa bitay si Zapanta.
Umaasa si Binay na matutulad si Zapanta kay Rodelio ‘Dondon’ Lanuza na napalaya at nakaligtas sa death row makaraang sagutin ng hari ng Saudi na si King Abdulla ang baÂlance na SAR 2.3 million na blood money.