Halloween costumes nang-aakit ng ‘diablo’

MANILA, Philippines - Upang hindi maka­pang­hikayat o makapang-akit ng â€˜demonyo’ nga­yong Halloween, mas ma­­­­kabubuti kung mag­susuot ng mga costumes ng mga santo at hindi ng mga nakakatakot na Halloween costumes.

Ayon kay Fr. Francis Lucas ng Catholic Bi­shop’s Conference of the Philippines (CBCP) - Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media, ang pag­­susuot ng mga na­ ka­tatakot na damit o costumes particular ang mas­cara ay  pagbibigay ng pagkakataon na ma­ka­pasok si Satanas.

“’Yung nagiging prac­tice na nagmamas­kara ng nakakatakot, ‘yung may nakasaksak sa leeg, puro evil eh, puro kasamaan, Dalawang bagay ‘yan na parang ina-attract mo, sini-seduce mo ‘yung diablo, o kaya nagbubukas ka ng pinto, ‘Welcome to me,’” ani Lucas.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Lucas sa umano’y aktibong parti­si­pasyon ng mga bata sa traditional na “Trick or Treat.”

Aniya, masyado pang mga bata ang mga  nag­sa­­sagawa nito subalit puro negatibo naman ang pinasasaisip at pina­su­suot sa kanila.

Hindi rin umano dapat na gawing katatakutan ang All Saints’ at All Souls’ Day kung saan nag­sa­sa­gawa ng Halloween Party.

Sabi ni CBCP-NASSA chairman Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, ang pagsasagawa ng mga Halloween Party o aktibidad na may kaug­nayan dito ay hindi isang Kristiyanong kaugalian.

Giit ni Bishop Pabillo, na ang Halloween ay isang pang-commercial na akti­bidad at ginagamit lamang ng mga negos­yante upang kumita sa panahon ng Todos Los Santos.

Show comments