MANILA, Philippines - Pumasok na sa Philippine Area of ResponsiÂbiÂlity (PAR) ang binabantaÂyang tropical depression at ito ay tinawag na bagÂyong Vinta.
Ayon kay Chris PeÂrez, PAGASA weather forecaster, bahagyang lumakas ang naturang bagyo sa 55 kilometro kada oras habang binaÂbaybay ang Philippine Sea.
Nakataas na ang signal No. 1 sa Aurora at Isabela.
Ngayong Miyerkoles, ito ay nasa layong 470 kilometro hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o nasa 620 kilometro silaÂngan ng Casiguran, Aurora
Inaasahang tatama ang bagyo sa Isabela sa Huwebes at tatawirin nito ang Central o Northen Luzon.
Biyernes inaasahang lalabas ng PAR si Vinta pero magiging maulan ang paggunita ng Undas dahil sa bagyo.
Sinabi ni Perez na aaabutin ng dalawa hanggang tatlong bagyo pa ang inaasahang papasok sa PAR habang isa hanggang dalawa sa Disyembre.