622 huli sa gun ban

MANILA, Philippines - Ang mga nadakip naman na lumabag sa gun ban umpisa noong Set­yembre 28 hanggang kahapon dakong alas-12:30 ng tanghali ay umabot sa 622 katao  at ang pinakamarami sa mga nahuli  ay mga sibilyan na umabot sa 578.

Kabilang sa mga naaresto ay  pitong pulis, 21 security guards, anim na opisyal ng gobyerno, lima sa AFP at tatlong CAFGU.

Nakasamsam rin ng 509 armas, 198 patalim, 290 eksplosibo, 68 granada, 18 replica ng mga armas at 4,276 na mga bala.

 

Show comments