Bagong bagyo papasok sa PAR

MANILA, Philippines - Asahan na ang  bagong bagyo na papasok ngayong  hapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay Connie Rose Dadivas, weather forecaster ng PAGASA, kasunod ng namataang weather disturbance formation sa silangan ng Bicol Region.

Ayon pa kay Dadivas, malapit na ang namumuong sama ng panahon sa teritoryo ng Pilipinas at mabilis ang pag-usad nito sa nakalipas na magdamag.

Kahapon ng umaga ay  nasa 45 kilometro bawat oras pa lamang ang lakas nito ngunit inaasahang magde-develop o lalakas pa sa mga susunod na araw. Ito anya ay inaasahang tatama sa pagitan ng Central at Northern Luzon.

Sinabi ni Dadivas, hindi umano magiging super typhoon ngunit tinatayang maghahatid ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.

Kung papasok sa PAR, papangalanan ito bilang bagyong ‘Vinta’ na siyang ika-22 bagyo ngayong taon.

Show comments