MANILA, Philippines - Tiniyak ng Commission on Elections na walang sasantuhin sa kanilang ipatutupad na batas kung saan ipinagbabawal ang anumang pag-eendorso at pag-iimpluwensiya ng mga government officials sa mga kumakandidato.
Ayon sa Comelec, nais nilang ipakita na non-partisan ang barangay elections.
Nabatid na isang election officer ang umano’y nagtungo sa birthday party ng chairman ng Bgy. MaÂlanday, Marikina City noong Oktubre 8 kung saan simula na ang election period.
Batay sa pahayag ng ilang concerned citizen, nakakapagtaka lamang na kinausap ng sarilinan ng Elections officer na si Michael Fojas ang tumatakbong incumbent barangay chairman at tumatakbong bagong kagawad. May laÂrawan umano silang magpapatunay nito.
Paliwanag ng mga concerned citizen, hindi umano magandang tignan ang pagdalo ni Fojas sa birthday party ng bgy. chairman na ginanap sa barangay. Anila buong araw nasa barangay hall si Fojas.
Sinabi pa ng mga ito na dating nakatalaga sa Comelec-San Juan si Fojas at naitalaga di umano sa Marikina noong SetÂyembre.
Subalit ayon kay CoÂmelec Spokesperson Atty. James Jimenez, wala siyang alam na paglabag ng elections officer kung nakikipag-usap ito sa mga kandidato.
Payo ni Jimenez, magÂsampa ng kaukulang reklamo upang mas maimbestigahan ng komisyon.