MANILA, Philippines - Handa na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Metro Manila sa gagawing pagboto ng mga preso sa barangay elections sa Lunes.
Ayon kay BJMP-National Capital Region director Senior Supt. Romeo Vio, nailatag na nila ang lahat ng preparasÂyon kung ang gagawing pagboto ay sa loob o sa labas ng piitan.
Inilagay na rin nila ang lahat sa red alert status sa araw ng eleksyon, upang mapanatili ang katahimikan sa mga pagdadausan ng halalan.
Nilinaw ni Vio na kapag tapos nang makaboto kailangang eskortan pa rin ang mga ito bilang proteksyon.
Nabatid na ang Manila City Jail at ang Quezon City Jail ang pinakamalaÂking piitan sa NCR.
Sa MCJ sa pamumuno ni Supt. Baby Noel Montalvo ay mayroong on-site voting at may 400 registered inmates.
Ayon naman kay QCJ warden Supt. Joseph Vela, may 51 registered voters ang kanilang piitan at gagamitin nila ang medical room na nasa second floor ng pasilidad bilang lugar ng botohan.
Ang mga botante na nakalaya, pero nakarehistro sa QCJ ay puwede pa ring bumoto at welcome ang mga ito rito.
Nagreserba na rin umano si Vela ng lugar para sa mga observers tulad ng Human Rights personnel at political watchers.
Sabi naman ni Region 3 director Senior Supt. Arnulfo Obias, inilatag na rin nila ang seguridad para sa mga preso na naka-schedule para bumoto sa labas.
“Kaya lang yong iba nagsasabi na ayaw na nilang bumoto kapag sa labas dahil nahihiya sila dahil nakaposas,†ayon pa kay Obias.