MANILA, Philippines - Pinadadagdagan ng Senado ang pondo para sa kalamidad ngayong 2013 sa gitna na rin ng sunod-sunod na kalamidad at trahedyang nararanasan sa bansa.
Ayon kay Sen. Francis “Chiz†Escudero, chairman ng Senate committee on finance, napagkasunduan na ng buong Senado ang pagpapatibay ng kaukulang resolusÂyon hinggil sa dagdag na pondo bago magsara ang kanilang sesyon sa susunod na Miyerkules para sa tatlong linggong recess o bakasyon.
Ang pondo ay ilalaan sa mga sinalanta ng malakas na lindol sa Central Visayas at para rin sa mga hinagupit ng bagyong Santi sa Central Luzon.
Kailangan din umaÂnong pagkalooban ng dagdag na pondo ang Zamboanga City na napinsala rin dahil sa ilang linggong stand-off doon matapos lumusob ang mga rebeldeng Moro National Liberation Front bukod pa sa baha na naranasan ng lungsod.
Aalamin na lang ng Senado ay kung magkano pa ang natitira sa P7.5 bilÂyon calamity fund at quick response fund na nasa Department of Budget and Management.
Samantala para makaÂtulong sa mga naapektuhan ng tatlong magkakasunod na kalamidad, ibibigay ng Senado sa DSWD ang savings nito na ngayon ay nasa P6 milyon.