MANILA, Philippines - Kikilalanin ng Senado ang kabayanihan ng mga pulis at sundalo na lumaban sa nangyaring ZamÂboanga siege kung san ilan sa kanila ang nagbuwis ng buhay.
Sa Senate Resolution 283 na inihain ni Senator Francis “Chiz†Escudero, dapat lamang bigyan ng parangal ang mga sundalo at pulis na nakipagbakbakan sa grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Hindi aniya madali ang ginawa ng mga kasapi ng AFP at PNP na sumabak sa Zamboanga City siege noong Setyembre 9 na tumagal ng halos tatlong linggo.
Maliwanag aniya na nagampanan ng mga sundalo at pulis ang kanilang tungkulin dahi nanumbalik ang normal na buhay ng mga taga-Zamboanga City.
Nararapat lamang aniyang parangalan ng Senado ang mga pulis at sundalo na buong giting na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.