MANILA, Philippines - Bigo pa rin ang Department of Agriculture (DA) na agarang tugunan ang tumataas na presyo ng bigas sa gitna ng mga babala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na kukulangin ang produksyon ng palay ngayong taon at hindi nito matutugunan ang pangaÂngailangan ng bansa.
Ipinahiwatig ni Senador Loren Legarda na maaaring kailangan na ang agarang pakikialam ng Economic Team ng Gabinete para gabayan ang DA sa paghahanap ng solusyon sa problema sa bigas sa bansa.
Lubhang nababahala si Legarda sa kabiguan ng DA na agarang tugunan ang tumataas na presyo ng bigas.
“Oktubre na tayo ngaÂyon. At labis akong nababahala dahil hindi tumitigil ang pagtaas nito. Imbes na bumalik sa normal na presyo, nasa pinakamataas na ito ngayon. Ang dokumentong ito mula sa NEDA ay kumukumpirma sa atas ng law of supply and demand na nagsasabing: kung kaunti ang imbentaryo, natural lamang na tumaas ang presyo,†paliwanag ni Legarda.
Ang nasabing memorandum, ayon sa senadora, ay nagrerekomenda ng importasyon ng karagdagang 500,000 MT ng bigas upang “patatagin ang presyo at kung maaari, ay pababain pa ito.†Ngunit ang mga pahayag kamakailan lamang ng National Food Authority (NFA) na hindi na aangkat pa ng bigas ngayong taon ang bansa, ayon kay Legarda, ay “lalo lamang humihingi ng paliwanag.â€
“Kung ang DA at ang NFA ay walang planong aksyunan ang rekomendasyon ng NEDA, e ano ang plano nitong gawin upang pababain ang presÂyo ng bigas sa mga pamilihan?†tanong pa ni Legarda.
Sa datos ng DA Bureau of Agricultural Statistics, ang karaniwang presÂyong tingi ng bigas kada kilo noong Setyembre ay nasa 36 pesos na kada kilo. Ito na ang pinakamataas ngayong taon at apat na pisong mas mataas kesa sa presyo bago dumating ang “lean season.â€