MANILA, Philippines - Nais ng religious group na Prayer Warriors of the Holy Souls (PWHS) na ibalik ang pagiging banal ng Halloween sa bansa.
Ayon sa PWHS, hindi umano marapat na pinagdadamit ng mga nakatatakot na costumes ang bata sa pagsapit ng Halloween, bagkus ang dapat na costume ay mga Santo at mga martir upang maging isang mabuting halimbawa at impluwensiya na maaring tularan.
Sinabi ni PWHS spiritual director Fr. Michell Joe Zerrudo, sa halip na mga nakakatakot na kasuotan tulad ng mga Zombie at Dracula ay dapat na pagsuotin ng mga pangbanal na costume ang mga bata.
Ipinaliwanag ni Zerrudo na ang pagdadamit sa mga bata bilang mga zombies, devils at mga multo para sa Halloween ay nagbibigay ng maling impresyon ng mga ito na ang masamang espiritu ay nakatutuwa at mistula ring natatanim sa isip ng mga bata na walang masama sa paggaya sa mga ito.
Naniniwala rin si Zerrudo na kailangang paalalahanan ang mga bata na ang pagsunod sa turo ni Kristo ay posible at abot-kamay lamang ng lahat.
Isinusulong na rin ng PWHS ang “March of Saints†practice na isang kampanya na nagsusulong nang pagpapagamit sa mga bata ng mga kasuotang pang-santo at pang-martir, sa panahon ng Halloween.
Sinimulan na rin ito sa ilang parokya, tulad ng St. John the Evangelist Parish, Sta. Maria, Bagbaguin sa Diocese of Malolos; St. James the Great Parish, Ayala Alabang Village, Muntinlupa; at sa Holy Family Parish, Roces District, Quezon City, na pinamumunuan ni Zerrudo.