102 huli sa gun ban

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 102 katao ang nasakote sa paglabag sa gun ban sa loob ng isang linggong operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaugnay ng gaganaping Brgy. elections sa Oktubre 28.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor, umpisa noong Setyembre 28 ay nasa 102 indibidwal ang naaresto na karamihan ay mga sibilyan sa bilang na 96 katao.

Ang 45 araw na Comelec gun ban ay ipatutupad hanggang Nobyembre 12, 2013.

Sinabi ni Mayor na ang mga lumabag sa gun ban ay nasakote sa checkpoints at on-the-spot gun check inspection.

Bukod sa nasakoteng 96 sibilyan, kabilang pa sa mga naaresto ay tatlo sa PNP, dalawang security guard at isang opisyal ng gobyerno.

Nakasamsam rin ng 86 armas, pitong gun replicas, 30 patalim, limang granada, 11 mga eks­plosibo at 759 mga bala ng sari-saring uri ng mga baril.

 

Show comments