DA Asec. na dawit sa pork nag-leave

MANILA, Philippines - Nag-file ng kanyang ng leave of absence si Agriculture Asst. Secretary Salvador Salacup na isa sa mga kinasuhan kaugnay ng pork barrel scam.

Sinabi ni Salacup na nitong Lunes siya nagsumite ng indefinite leave of absence  sa tanggapan ni Secretary Proceso Alcala at tinanggap naman ng Kalihim.

Anya, epektibo kahapon ang pagliban niya sa trabaho at ginawa niya anya ito dahil sa delicadeza at para bigyang daan ang ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa pork scam.

Si Salacup ang dating pinuno ng Zamboanga del Norte Rubber Estate Corp. (ZREC) na sinasabing isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na naging kakutsaba ni Janet Napoles para makakuha ng pondo noong 2007-2009.

Show comments