MANILA, Philippines - Inimbento lang umano ni Budget Secretary FloÂrencio “Butch†Abad ang DAP (Disbursement Acceleration Program) para pagtakpan iyong ekstrang pera na ibinigay sa mga mambabatas na bumoto para sa impeachment laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Ito ang naging paÂratang ni Congressman Toby Tiangco kaugnay ng DAP na pondong ipinalabas at ibinigay ng gobyerno sa ilang mga senador pagkaraang mapatalsik sa puwesto si Corona.
“Ang malaking tanong ay bakit iyong tatlong senador na nag-acquit kay CJ Corona ay walang DAP? Bakit yung mga hindi pumirma sa Impeachment Complaint na mga Congressman tulad ko walang DAP. Kaya maliwang na ito ay para sa Impeachment ni CJ Corona,†tanong ni Tiangco.
Sinabi pa ni Tiangco na kung ang pondo ay para mapabilis ang mga proyekto ng gobyerno, hindi ba mas mabilis ito kung direkta nang ipinapatupad ng Department of Public Works and Highways?
“Ang pinakamasama dito ay ginamit ang pera ng taong bayan in an attempt to control the Judiciary. GiÂnamit ang lumpsum appropriation ng Executive Branch sa maling paraan,†sabi pa ni Tiangco.
Sinabi ni Tiangco na dapat matanggal sa puwesto si Abad kung ginawa niya ito nang walang pahintulot ng Pangulo.