MANILA, Philippines - Nais nina A-Teacher Partylist Reps. Mariano Piamonte Jr. at Julieta Cortuna na madagdagan ng 2,000 medical allowance ang mga pampublikong guro sa buong bansa.
Sa House Bill 2407 na inihain nina Reps. Piamonte at Cortuna ay para sa mga public school teachers sa elementary at high school levels.
Itinatakda din ng panukala ang regular adjustment ng medical allowance ng mga public school teachers kada limang taon.
Bukod dito ayon kay Piamonte na ang mga guro na nasa alternative learning system ng Department of Education (DEpEd) ay mabibiyayaan din ng P2,000 medical allowance kada buwan.
Kailangan umano ito lalo na sa mga gurong nagtuturo sa malalayo at liblib na lugar sa probinsiya.
Sa ilalim ng panukala, ang kinakailangang budget para sa allowance ay isasama sa taunang budget ng DepEd at State Universities and Colleges.