Drilon tumanggap ng P100M

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Senate President Franklin Drilon na tumanggap siya ng P100 milyon mula sa Malacañang noong nakaraang taon para sa tinatawag na Disbursement Acceleration Program.

Pero mariing itinanggi ni Drilon na ito ay suhol ng Palasyo para sa conviction ni dating Chief Justice Renato Corona.

“Hindi ito bribe (This is not a bribe),” paliwanag ni Sen. Drilon sa tinanggap niyang P100 milyon na para umano sa kanyang infrastructure projects sa kanyang home province na Iloilo.

“Magbi-bid kami sa 2015 APEC, walang maa­yos na kalsada o convention center. Ang perang ito hiningi ko upang magkaroon ng infrastructure program para sa turismo,” wika niya.

Aniya, ang DAP funds ay hindi direktang napupunta agad sa implementing agencies dahil wala naman ito sa programa ng nasabing mga ahensiya.

Isa lamang si Drilon sa mga senador na nag-convict kay Corona na tumanggap ng pondo mula sa DAP.

Show comments