Manila Water naghain ng dispute notice

MANILA, Philippines - Pormal nang nagsumite ng dispute notice sa International Chamber of Commerce ang Manila Water, na siyang konsesyunaryo sa Silangang bahagi ng Metro Manila, para hamunin ang desisyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ukol sa taripa sa tubig. Sa paglabas ng dispute notice, opisyal nang sisimulan ang proseso ng paghahatol sa nasabing tagapamagitan o “arbitration”.

Ang hakbang na ito ng Manila Water ay bunga ng desisyon ng MWSS na tanggalin ang mga mahahalagang programang tumutugon sa paggawa at pagpapanatili ng sistema ng patubig at alkantarilya sa Silangang bahagi ng Metro Manila. Sa kawalan ng nasabing mga programa, malubhang makokompromiso ang kakayahan ng konsesyonaryo na tuparin ang obligasyong magbigay serbisyo sa mga kustomer.

Pinahihintulutan sa Concession Agreement (CA) sa pagitan ng MWSS at Manila Water ang paghahatol sa tagapamagitan o ‘arbitration’ upang malutas at mapagpasiyahan ang mga bagay na hindi mapagkasunduan, gayundin ang mga kontrobersiya o pahayag na mayroong kinalaman sa CA.

Show comments