MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Volunteers Against Crime and Corruption sa Senate Blue Ribbon Committee na isama ang Department of Agriculture sa imbestigasyon sa anoÂmalya sa Priority Development Assistance Fund na pangunahing kinasasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.
Ikinatwiran ng VACC sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Ariel Genardo Jawid na ang sektor ng agrikultura ang “nagtamo ng pinakamalaking pinsala dulot ng pagnanakaw ng P10 bilyong halaga ng pondo ng bayan kaugnay sa PDAF scam.â€
Kaugnay ng pagsisiwalat ng whistleblower na si Benhur Luy sa pagdinig ng lumipas na linggo, sinabi ni Jawid na “kaduda-dudang nananatiling matigas ang sektor ng agrikultura sa pagbabago sa kabila ng mga reporma tungo sa magandang pamamahalang ipinapatupad ng kasalukuyang administration.â€
Ipinatataka din niya na prenteng nananatili sa DA ang mga tanggapan at indibidwal na dati nang naakusahan ng katiwalian.
Binanggit niya ang isang Ophelia Agawin, na kasama si Janet Lim Napoles, ay unang nasangkot sa P728 milyong fertilizer fund scam noong 2003. Muli siyang itinalaga sa DA at itinaas pa ni Agriculture Sec. Proceso Alcala sa posisyong Assistant Secretary ngayong panahon ng administrasyong Aquino.
“At sa lahat ng ibibigay na tungkulin, siya pa ang inatasan mag-accredit ng mga NGO (non-governmental organization) accreditation,†sabi ni Jawid. “Nakapagtataka pa bang muli siyang pinangalanan ng isang whistleblower (Merlin P. Suñas) bilang conduit ng ahensya sa mga pekeng NGO ni Napoles?â€
Boss ni Agawin si Undersec. Antonio Fleta na bitbit ni Alcala sa kagawaran nang umupo siya dito noong 2010. Nauugnay din si Fleta sa Abono party-list group at mga representate nito na umanoy nagbigay din ng kanilang PDAF sa isa pang pekeng NGO ni Napoles.
Isa pang appointee mula sa tinatawag na “Quezon core group,†mula sa distrito kung saan naging congressman si Alcala ng dalawang termino, si Usec. Claron Alcantara.
Kapwa may nakahaing reklamo sa tanggapan ng Ombudsman sina Alcala at Alcantara kaugnay ng umano’y pagpapalabas ng P3.5 milyon mula sa PDAF ni Alcala papunta sa isang kaduda-dudang NGO.
Ayon sa COA, ginamit ang NABCOR bilang implementing agency sa PDAF scam. Dito ibinababa ng DA ang pondo para sa mga proyekto na siya namang ipinapasa sa mga pekeng NGO. Nadawit na rin ito sa fertilizer fund nang lumipas na administrasyon.