MANILA, Philippines - Nakiusap si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa mga kongresista na sumunod sa security procedures na ipinatutupad sa Kamara.
Ayon kay Belmonte, dapat sumunod ang mga mambabatas sa pinaiiral na patakaran sa loob ng Batasan Complex dahil para naman ito sa kaligtasan ng lahat.
Ang apela ni Speaker ay kanyang ginawa, bunsod ng pagkakapasok ng armas sa loob ng plenaryo ng bodyguard ni Nueva Ecija Rep. Elenita Suansing noong Biyernes habang nagsasagawa ng budget hearing.
Ipinag-utos ni Belmonte sa Legislative Security Bureau (LSB) ang body inspection sa mga mambabatas bago makapasok sa loob ng plenaryo upang matiyak na walang dalang baril o armas ang mga mambabatas at kanilang bodyguard sa loob ng session hall maging sa kanilang mga opisina.
Unang naghigpit sa pagdadala ng baril sa Kongreso matapos ang attempted suicide ni daÂting Cagayan de Oro Rep. Benjo Benaldo noong Hunyo 27.