BDO ‘Best Bank’ sa bansa – Euromoney

MANILA, Philippines - Tinaguriang “Philippines’ Best Bank” ang BDO Unibank, Inc. (BDO) sa ginanap kamakailan na Euromoney Awards for Excellence 2013, isang taunang pagkilala na isinasagawa ng pampinansiyal na publikasyon na nakabase sa London at tinuturing na global benchmark ng pandaigdigang industriya ng pagbabangko.

Ang laki at kita ay mahalagang konsiderasyon, nakita rin ng Euromoney ang abilidad ng bangko na magpakita ng paglago, kalakasan ng performance kumpara sa kanyang mga kasamahan sa industriya, at kakayahang makibagay sa pabagu-bagong kondisyon ng merkado at mga pangangailangan ng mga kliyente nito.

Patuloy ang BDO sa pag-angkas sa kanyang malakas na business franchise at wide distribution network. Ang iba’t-iba nitong inisyatiba para palakasin ang kanyang presensya sa kanyang mga negosyo, palawakin ang kanyang market coverage sa pamamagitan ng branch expansion at acquisition, at palakasin ang kanyang capital position ay nagbunga ng record earnings performance sa 2012 at sa unang quarter ng 2013.

Gaya ng mga nakaraang parangal, tinuturing ng BDO ang Euromoney award bilang isang patunay sa kanyang pagsunod sa pilosopiyang “We find ways” kung saan ginagawa ng bangko ang lahat ng makakayanan nito para matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga kliyente.

 

Show comments