MANILA, Philippines - Magsasagawa ng water and flood management summit ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na pangungunahan rin nina DPWH Sec. Rogelio Singson at Budget Sec. Florencio Abad, sa PICC, Pasay City sa Oktubre 3 at 4, 2013.
Ayon kay LLDA Presidential Adviser for Environmental Protection at General Manager Sec. J. R. Nereus O. Acosta, ang summit na may titulong “The Laguna Lake Water and Flood Management Imperative†ay laying solusyunan ang mga water at flood issues sa Laguna de Bay Region (LdBR). Magkakaroon din umano ng exhibition ng mga produkto, teknolohiya at mga serbisyo ng iba’t ibang stakeholders sa naturang summit.
Ayon kay Acosta, kinakailangang ang lahat ay sangkot sa pagbuo ng viable at long-term solutions sa mga problemang may kinalaman sa suplay ng tubig at mga pagbaha.Inaasahang lalahok sa kumperensiya ang mga industry owners, business leaders, pollution control practitioners, LGUs at policy makers, civil society at academe, peoples’ organizations at community representatives tulad ng kababaihan, fisherfolks, magsasaka at mangangalakal.