‘Wage hike kaysa 14th month’

MANILA, Philippines -  Mas pabor ang ilang mambabatas sa wage hike sa mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor.

Pero sang-ayon din sa 14th month bonus bill sa Senado si Act Teacher partylist Rep. Antonio Tinio dahil may maitutulong ang pagbibigay ng 14th month bonus sa lahat ng manggagawa at isang beses lamang naman ito kada taon.

Bukod dito ang bonus din umano ay hindi naisasama sa kwenta ng retirement benefits kapag nagretiro na ang isang manggagawa.

Sa Kamara, mayroon na rin panukala para sa P6,000 across the board salary increase para sa government employees habang P125 legisla­ted wage hike para sa manggagawa sa pribadong sektor.

Giit ni Tinio, kayang kaya ng gobyerno na magbigay ng dagdag sahod sa government employees dahil maraming pagkukunan ng pondo para rito.

Subalit ang masaklap lamang umano dito ay walang inilaan para sa wage increase sa burukrasya sa 2014 habang sa bonus naman ay ayaw pa ng Malakanyang ng across-the-board kundi performance based bonus.

 

Show comments