Ulat Panahon

MANILA, Philippines - Lalu pang lumakas ang bagyong Odette habang kumikilos papunta sa pagkalahatang direksiyon ng Northern Luzon. Alas-11 ng umaga kahapon, si Odette ay namataan sa layong 820 kilometro sila­ngan ng Tuguegarao City taglay ang lakas ng hangin na 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras. Si Odette ay kumikilos pakanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras. Ayon sa Pagasa, si Odette ay patuloy ang paglakas dahil pinaiigting ito ng habagat. Bunga nito, nakataas ang Signal number 1 sa Cagayan, Calayan at Babuyan Group of Island sa Luzon.

Show comments