MANILA, Philippines - Target ng mga opisyal at miyembro ng Golden Beans & Grains ProduÂcers Cooperative (GBGPC) na magtanim ng 1,200 na ektaryang Organic Soya sa bansa sa susunod na taon.
Sa pagpupulong na isinagawa ng GBGPC sa Sumacab Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong nakalipas na Sept. 14 ay isa-isang tinukoy ng mga opisyal at miyembro ng Kooperatiba ang mga lugar at kung ilang ektarya ang pagtatamnan nila ng ‘Wonder crop’ na Organic Soya.
Ayon kay Dok Nilo Dela Cruz, Chairman ng GBGPC, desidido ang kanyang mga kasama sa Kooperatiba na maipalaganap ang pagtatanim ng soya upang sa mga darating na taon ay hindi na kailangan pang mag-import nito sa ibang bansa.
Base sa pag-aaral, nabatid na ang soya ay isang anti-cancer, anti-diabetic, anti-allergy, anti-heart diÂsease at iba pang sakit.
Pampaliit din ng tiyan, pampaganda ng kutis at pampaputi ang soya dahil sa pagkakaroon nito ng mataas na protina, omega 3 at vitamin E.
Halos araw-araw ay bino-broadcast sa Radyo ng Bayan (DZRB-738 khz) sa programang Maunlad na Akgrikultura ni Ka Francis Cansino ang kahalagahan ng pagkain ng soya.
Tampok din ang pagpapalaganap ng organic soya sa darating na 2nd year anniv. ng Agri Techno Demo Forum sa darating na Sept. 21 na gaganapin sa PIA building, Visayas Ave., Quezon City na dadaluhan ni DA Sec. Proceso Alcala, Rosie Aquino, CLSU Prof. Thelma Estera, Cecil Antolin ng Philmech at tinatayang 1,500 na participants.