MANILA, Philippines - Hiningi kahapon ng abogadong si Argee Guevarra ang pagbibitiw ni Department of Agriculture (DA) Secretay Proceso Alcala matapos lumitaw sa isang pagdinig sa mababang kapulungan ng Kongreso noong Huwebes na hindi kakaÂyaning maabot ng bansa ang target nitong maging self-sufficient sa bigas ngayong taong ito.
Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture at ng House Special Committe on Food Security, ipinahiwatig ni Assistant Secretary Romeo Recide ng Bureau of Agricultural Statistics na hindi kakayanin ng Pilipinas na maging sapat ang produksyon nito sa bigas. Bilang katunayan umano rito, kakailanganin pa ng bansa na umangkat ng kalahating milyong metriko toneladang bigas upang mapunan ang paÂngangailangan ng bansa.
Salungat ito sa paniniyak ni Alcala noong Marso na “hindi tayo madidiskaril sa ating mithiing makamit ang kasapatan sa produksyon ng bigas sa ating pangangailangan bago matapos ang taong kasalukuyan.â€
Inamin naman ni NaÂtional Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag sa pagdinig na ang kasalukuyang pagpapatupad ng programa sa rice self-sufficiency ay lalong nagpataas ng presyo ng bigas.
“Dahil ang ating bigas ngayon ay locally procured, kahit iyong nasa pribadong sektor na nanggagaling ang suplay ng bigas sa Isabela, ito ay nakakadagdag pa ng piso sa kada kilo ng bigas bago pa man dumating ang bigas na ito sa Kalakhang Maynila,†pahayag ni Calayag sa dalawang komite.
Pinuna ni Guevarra na lumalabas na ang 500,000 MT na binabanggit ni Recide ay ang aktwal na kakulangan natin sa suplay ng bigas kahit pa nga may sobra pang imbentaryo mula noong nagdaang taon.
“Sa kanilang sariÂling pananalita na mismo nanggaling na kulang ang ating produksyon o ani at paubos na ang ating suplay. Ngayon, may ganito pang pag-amin na nakadagdag sa pagtaas ng presyo ng bigas ang programa nilang ipinapatupad? Kailangan na talagang magbitiw ni Alcala,†hirit ni Guevarra.