MANILA, Philippines - Walang ceasefire, hangga’t patuloy na nagpapaputok ang Moro National Liberation Front (MNLF) breakaway group laban sa tropa ng pamahalaan at mga pangunahing instalasyon ng gobyerno kaugnay ng gulo sa Zamboanga City.
Ito ang binigyang diin kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kasunod ng inanunsyo ni Vice President Jejomar Binay na nagkasundo na ang Kalihim at si MNLF founding chairman Nur Misuari, na ipatupad ang ceasefire para bigyang daan ang mapayapang solusyon sa krisis sa Zamboanga City na nasa ika-pitong araw na ngayon.
Sinabi ni Gazmin na tinawagan siya nitong Biyernes ng gabi ni Binay at sinabing kaya nitong makipagdayalogo kay Misuari.
Ayon sa Kalihim, tiÂnanong rin siya ni Binay kung tutol sa ceasefire at ano ang opinyon ng Defense Chief ukol dito.
“I told Binay all of us want peace. He said he can talk to Misuari. I said government troops will stop firing only if the MNLF stops firing,†paliwanag ng Defense Chief.
Nanawagan naman si Crisis Management Council (CMC) Chairman at Zamboanga City Mayor Isabelle “Beng†Climaco Salazar sa mga opisyal ng barangay na tumulong sa security forces upang idepensa ang kanilang mga komunidad.
Muli rin itong umapela sa mga Commander ng MNLF na palayain ang lahat ng nalalabing hostages at landasin na ang kapayapaan para sa ikatatahimik ng lungsod.
Aminado rin ang alkalde na apektado na ang kanilang ekonomiya.
Sa kasalukuyan ay mahigit 62,000 na ang nagsilikas simula nitong Lunes.
Ang ibang residente ay mas pinili pang sumakay ng bangka kasama ang kanilang mga pamilya na nagpapaikot-ikot sa tabing dagat sa halip na makiÂpagsiksikan sa evacuation centers.