MANILA, Philippines - Dalawampu katao pa ang hinostage ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Brgy. Mampang, Zamboanga City nitong Martes ng madaÂling araw.
Kinumpirma kahapon ni Crisis Management Council Chairman at Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar na binihag ng MNLF rogue elements sa Brgy. Mampang ang 20 kababaihan at bata na dinala sa Brgy. Kasangyan. Bukod pa ito sa 180 hostages na hawak pa rin ng MNLF.
Natukoy ng AFP ang mga namunong lider ng MNLF na sina Commander Ugong, Ustadz Asamin Hussein; Habier Malik, Ismael Dasta at isa pang hindi natukoy ang pangalan.
Ayon naman kay AFP Public Affairs Office Chief P/Lt. Col Ramon Zagala, mula sa mahigit 300 MNLF rogue elements na sumalakay sa ilang barangay sa lungsod ay nasa 180 na lamang ang mga ito na naghati pa sa 5 grupo na napapalibutan na ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa Brgy. Sta Barbara, Sta. Catalina at Talon-Talon.
Iginiit naman ni PanguÂlong Aquino na hindi pa kailangang magdeklara ng state of emergency sa Zamboanga City sa kabila nang nagpapatuloy na standoff sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at MNLF-Nur Misuari group.
Sinabi ni Aquino na “on top of the situation†ang government forces sa pangyayari.
Wala ring ibinigay na deadline si PNoy upang maresolba ang krisis sa Mindanao pero siniguro na prayoridad ang kaligtasan ng sibilyan na naiipit sa kaguluhan.
Magugunita na kamakalawa ay lumusob ang may 100 MNLF armed forces at ginawang human shield ang may 200 sibilyan ng haraÂngin sila ng government law enforcers ng tangkaing lusubin ang city hall ng Zamboanga upang iwagayway ang watawat ng MNLF matapos magdeklara ng independence si Misuari noong Agosto 12 sa Talipao, Sulu.