MANILA, Philippines - Pinigil ng Korte Suprema sa pamamagitan ng inilabas na temporary restraining order ang implementasyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas sa ilalim ng General Appropriations Act of 2013.
Ito ang napagkasunduan ng mga mahistrado sa isinagawang en banc session ngayong araw.
Bukod dito, pinigil din ng SC ang pagpapalabas ng Malampaya Fund na gagamitin para sa pagpapairal ng bahagi ng probisyon ng Section 8 ng Presidential Decree 910.
Sa naturang probisÂyon, sinasabing “for such other purposes as may be directed by the President†ang Malampaya Fund.
Itinakda ng SC ang oral argument para sa nasabing usapin sa Oktubre 8, alas 2:00 ng hapon kung saan binigyan din ng SC ang mga petitioner at respondents ng 10 araw para magkomento.
Nabatid na naghain ng kanilang mga petisyon kontra sa PDAF at Malampaya Fund sina dating Manila Councilor Greco Belgica, Social Justice Society at dating Mayor Pedrito Nepomuceno.
Kabilang naman sa mga pinangalanang resÂpondents sa kaso ay sina Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., et. al.; Senate President Franklin Drilon, et. al.; at Pangulong Benigno Aquino III.
“This shall take effect immediately until further orders from the Court,†nakasaad sa utos pa ng SC.