MANILA, Philippines - Ang Palawan, Kabikulan, Kabisayaan at MinÂdanao ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa dulong Hilagang Luzon at ang mga baybaying-dagat dito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon at mula naman sa timog-kanluran hanggang timog sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Sisikat ang araw bandang alas-5:44 ng umaga at lulubog bandang alas-6:03 ng gabi. (PAGASA)