BDO namigay ng iPad mini

MANILA, Philippines - Apat na mapapalad na kliyente ng BDO Unibank, Inc. ang nanalo ng tig-isang iPad mini sa promo ng bangko na tinaguriang -- Save, Invest and Win with BDO Easy Investment Plan kamakailan.

Ang unang batch ng mga nanalo na sina Reynaldo at Marifie Alcala (Metro Manila), Manuela Sinogaya (Luzon), Raphael Palomino (Visayas), at Mary Carmel Majomot (Mindanao) na pawang mga account holders ng BDO Easy Investment Plan, isang programa na nagpapadali ng regular saving at investing sa napiling BDO Unit Investment Trust Funds (UITFs).

Sa bawat kabuuang buwanang kontribusyon sa pamamagitan ng BDO Easy Investment Plan account, mananalo ang mga account holder ng electronic raffle entry/entries na ayon sa halaga ng kontribusyon. Ang mas mababa sa P5,000 ay katumbas ng isang e-raffle entry samantalang ang kabuuang buwanang kontribusyon na nagkakahalaga ng P5,000 pataas ay bibigyan ng dalawang e-raffle entries.

Ang regular na mga kontribusyon ay magbibigay sa mga account holder ng mas maraming pagkakataon para manalo sa alinman sa anim na buwanang pagbunot ng nanalo na magpapatuloy hanggang ika-30 ng Nobyembre at sa grand draw sa ika-20 ng Disyembre, 2013. Bukod pa sa iPad minis, puwede ring mapanalunan sa Grand Draw sa Disyembre ang iPhone 5s, 40-inch LED TVs at mga byahe para sa dalawang tao sa Hong Kong.

Para sa karagdagang impormasyon, maaa­ring bumisita sa pinakamalapit na sangay ng BDO branch o pumunta sa http://www.bdo.com.ph/promos/save-invest-win-bdo-easy-investment-plan-eip.

 

Show comments