MANILA, Philippines - Namahagi ng mga relief goods ang mga miyembro ng Youth Volunteers of Jamby Madrigal noong Sabado sa mga residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City na naapektuhan ng baha dulot ng bagyong Maring at habagat.
Ayon kay Antonio Eñeres, kasapi ng Youth Volunteers of Jamby Madrigal, naisipan ng grupo niya na magbigay ng tulong nang makita nila sa telebisyon ang nangyari sa mga taong naninirahan malapit sa mga estero kaya’t mabilisan silang nag-ambag-ambag at namili ng pantawid-gutom katulad ng bigas, sardinas at noodles.
Sinabi rin ng grupo na walang halong pulitika ang ginawa nilang pagtulong at nagkataon lang na sila ay youth volunteers ni dating senadora Jamby Madrigal.