MANILA, Philippines - Nakalusot na kahapon sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of Staff General Emmanuel Bautista kasama ang 48 iba pang opisyal ng militar.
Si Sen. Antonio Trillanes IV ang nagsulong sa plenaryo ng nominasyon ni Bautista sa ranggong GeÂneral at bilang Chief of Staff ng AFP na agad namang sineÂgundahan ni Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile na miyembro rin ng CA. Naging unanimous ang pagkumpirma ng CA sa opisyal.
Bukod kay Bautista at sa 48 pang opisyal, nakalusot rin sa CA si dating Central Bank Governor Jose L. Cuisa bilang Philippine ambassador sa United States.
Nakumpirma rin ang ad-interim appointment ng 17 foreign affairs officials na nakatalaga sa iba’t ibang bansaÂ.