MANILA, Philippines - Binatikos ni ValenzueÂla Rep. Sherwin GatchaÂlian ang hindi inaasahang pang-iisnab ng bansang China kay Pangulong Aquino sa kanyang pagbisita sa Nanning, China para duÂmalo sa China-Asean Expo (CAEXPO) kung saan ang bansa ay isang “Country of Honor.â€
Ayon sa solon, ang hiÂling ng Tsina na huwag nang padaluhin si Pangulong Aquino sa CAEXPO ay para hiyain ito dahil sa isyu ng West Philippine Sea.
“The expo and the issue on the West Philippine Sea are two different matters. As a tradition and common practice, heads of state attend the event,†ani Rep. Gatchalian.
Ayon pa sa mambabatas, ang pagdalo ng PaÂngulo sa nasabing expo ay isang friendly gesture para palalimin ang trade partnership ng Tsina at Asean nation at isantabi ang isyu ng pulitika.
Hindi rin umano makabubuti ang aksiyon ng Tsina sa lumalalang tension ng dalawang bansa dahil sa patuloy na pagbalewala nito sa pagpupursige ng gobyernong Pinas sa mapayapang solusyon.
Ang tema ng CAEXPO ngayong taon ay para sa maayos na palitan ng kalakalan sa bansang China at Asean kung saan ang delegation ng Pinas ay pangungunahan ng Pangulo para imbitahin na rin ang mga Chinese investors na mag-invest sa bansa.
“The CAEXPO could have been the first step to break the ice, and an opportunity for the two countries to pursue a peaceful comradeship even on an informal occasion such as a trade fair,†ayon pa kay Rep. Gatchalian.