P26-M high tech equipment ibinigay sa Pasig PNP

MANILA, Philippines - Inaasahang lalo pang lalakas ang crime-fighting capabilities ng Pasig City Police matapos na makatanggap ng tinatayang P26 milyong halaga ng mga bagung-bagong high technology operational equipment mula sa Pasig City Government.

Mismong si Pasig City Mayor Maribel A. Andaya ang nanguna sa turnover ng 10 units ng  L-300 Mitsubishi van, 20 units ng motorsiklo, 90 units ng hand-held radios, 20 units ng  M-16 super rifles, 20 ballistic vest at  ballistic shields at iba pang Special Weapons and Tactics (SWAT) equipments sa Pasig City Police, sa idinaos na flag raising ceremony sa Pasig City Hall kahapon.

Ang naturang turnover ay sinaksihan naman nina National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Gen. Marcelo  Garbo, Eastern Police District (EPD) Director, C/Supt. Miguel Laurel, Pasig Police chief , at Sr/Supt. Mario Rariza Jr., kasabay nang pagpapahayag ng kanilang pasa­salamat sa suporta ng lokal na pamahalaan sa 436 strong- members ng Pasig PNP.

Ayon kay Eusebio, ang mga brand new equipments ay naglalayong mapataas at mapahusay ang kapabilidad ng lokal na pulisya sa pagsugpo laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

Nangako rin ang alkalde na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pangako na palalakasin ang puwersa ng kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagan at makabagong police equipments.

Sa kanyang panig, sinabi ni Rariza na nagpapasalamat siya sa suporta ng city government upang mas maisulong at mapaigting ang paglaban sa kriminalidad.

 

Show comments