400 bank accounts ni Janet busisiin - CA

MANILA, Philippines - Mahigit 400 bank accounts na pag-aari ng negosyanteng si Janet Lim Napoles ang pinabubusisi ng Court of Appeals sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Una nang nagpatupad ng “freeze order” ang AMLC sa nasabing mga bank accounts ni Napoles na isa sa mga itinuturong utak ng multi-billion peso pork barrel fund scam.

Sa 24-page resolution ng appellate court’s Se­cond Division, may limang buwan ang AMLC na magsagawa ng “bank inquiry” sa nasa 430 bank accounts ni Napoles, mga kamag-anak nito, miyembro ng pamilya at mga non-governmental organizations na iniuugnay sa respondent.

Saklaw din ng freeze order ang asawa nitong si Jimmy, mga anak na sina Jo Christine, James Christopher, John Christian, Jeane at Jane Napoles at kapatid na si Reynald “Jojo” Lim.

Tinukoy pa sa CA ru­ling na nakitaan umano ng probable cause na ginamit ang nasabing mga bank accounts sa mga “unlawful activities” na iniuugnay sa negosyante.

Show comments